Totoo ngang masasaktan ang damdamin kapag ikaw ay mangarap at magising. Subali't ang importante ay sadyang kasama ang munting pangarap at pagsubok sa gulong ng palad.
Kung hindi magwagi sa una ay malay mo sa susunod ay baka palarin. Ang mahalaga ay matuto sa mga aral ng mga dating napagdaanan kasama na ang pagkakamali ng diskarte o ng diwa.
(Video from youtube.com; posted by punitnapuruntong 04.21.06)
Maging sa pag-ibig o sa trabaho, may mga tao o bagay na 'di malilimutan (maski kailan) at nagbibigay ng inspirasyon para gawin ang lahat para lang makamtan ang hinahangad. Pero hindi lang puro inspirasyon ang kailangan kundi ang pag-pa-plano at pagpapatupad ng mga hakbang. Sa lahat ay sa munting pangarap nagmula subali't kulang pa ito. Tulad nina JR Celski at Tiger Woods 'di sila naging magaling na Winter Olympic skater at professional golfer ng dahil sa ambisyon lamang. Maraming oras na pagsasanay ang naibuhos nila bago sila gumaling at naging sikat. Kapag nakikita ng iba na ikaw ay isang maaasahang bahagi ng anumang team, ikaw pa ang pag-aagawan. Kaya't parating ibigay ang lubos na sipag at kakayanan sa lahat ng bagay at malamang ang munting pangarap sa umpisa ay magiging totoo at makakamit din.