| Thanksgiving Day sa Amerika, sa Pilipinas, at sa Mundo |
| Written by Jojo Iglesia |
|
Hindi maikakaila na iba ang takbo ng kabuhayan at ekonomiya sa Amerika, Pilipinas, at sa iba pang parte ng mundo. Gayunpaman, ipagdiriwang pa rin ang Thanksgiving Day dahil marami pa ring dahilan para magbigay ng pasasalamat. (Video from youtube.com; posted by silverback528 06.14.08) Nandyan ang kalusugan, ang pamilya, kaibigan at barkada, ang trabaho, ang "shopping", at siempre ang pag-asa na darating ang mas magandang umaga at hinaharap. Kabayan, kung ikaw ay malayo sa minamahal, huwag kalimutang mag-text o kaya'y mag-email o tumawag sa telepono. Ika nga, kahit sandali, randam ay para nang eternity kapag kapiling o kaya'y kausap man lang ang mga mahal sa buhay. Iba kasi at special ang pagpapadama at pagpapahalaga sa mga minamahal, lalo na't kung mapadpad sa malayong lugar.Gaano man kahirap ang kalagayan ay may katapat na biyaya at ito ang diwa ng Thanksgiving Day sa Amerika, sa Pilapinas, at sa mundo. Totoo nga't marami tayong pagsubok, subali't hangga't may buhay ay may pag-asa at basta may pag-asa ay naroon ang lakas ng loob para ipaglaban ang ano mang gusto. |