| Kapag nalayo, hangarin ay makitang muli ang minamahal |
| Written by Jojo Iglesia |
|
Sa panahon ngayon ay marami ang mga Pilipinong malayo sa mga minamahal. Kadalasan ay dahil sa tawag ng responsibilidad o kabuhayan. Maaaring ang pagkalayo ay sa ibang bayan, ibang lalawigan, o kaya'y ibang bansa. (Video from youtube.com; posted by sacredheartofjesus 04.01.07) Mahirap nguni't kailangan. Kapag nalayo, lalo na't sa labas ng Pilipinas, maraming kung anu-ano ang na-mi-miss ika nga. Tulad ng mga kaibigan (tropa o barkada), ang bahay na tinirhan, mga tambayan at lugar ng mga "happening", at ang mga bagay na kinagawian. At siempre, nandyan din ang mga mahal sa buhay, lalo na ang pamilya at ang sintang pinaka(x) sa puso at diwa.Para sa mga malayo sa mga irog, nandyan parati ang pag-asang magkikita muli, tulad ng pagsikat ng araw sa bawa't umaga. Ang awiting Makitang Muli na tinugtog ng Sugarfree sa pelikulang "Panday" bilang theme song ay sadyang naaakma. Ang "Panday" (na hango sa kathang-isip ni Carlo J Caparas) ay unang pinasikat ng "Da King" na si Fernando Poe, Jr. at sa huling version nito ay pinangunahan nina Jericho Rosales at Heart Evangelista, at naging inspirasyon pa ng mga ibang creative talents na Pilipino, kagaya ng makikita sa pandaystudio.com. Ang pagpapatuloy ng kuwento ng buhay ng ating bida ay masasaksihan sa sineng Panday II (na pinangungunahan ni Ramon "Bong" Revilla Jr).Kung minsa'y talagang nakaka-homesick. Pansamantala mabuti at mayroong tawag sa telepono, email, o text muna. Subali't kabayan, tibayan ang loob at marami ang umaasa sa tagumpay at biyaya na inaasam. Walang kasintamis ang mapatunayan sa sarili ang lubos na kakayahan, anuman ang mga sagabal.
|