| Panahon 'di lang tag-ulan at tag-araw |
| Written by Jojo Iglesia |
|
Kapag ang paksa ng usapan ay ang panahon ay maraming bagay ang maaring isipin. Nandyan ang panahon na nakadepende sa ihip ng hangin, init ng araw, o tindi ng ulan. Nandyan din ang panahon na kaugnay ng oras - kahapon, ngayon, at bukas. Para sa mga pagkakataong maituwid ang ano mang pagkakamali o pagkukulang sa nakalipas, madama ang kasayahan pag pinagpala sa kasalukuyan, at makapag-plano ng diskarte para sa hinaharap. Dumating man ang tag-ulan o tag-araw, o kaya'y para sa mga nasa 'temperate zone' ng mundo, ang tinatawag na four seasons: tag-lamig (winter), tag-sibol (spring), tag-init (summer), o tag-lagas (fall or autumn), ay kaya nating tapatan at higitan ang lahat nang pagsubok. Lalo na at buo ang pag-asang darating ang tamang pagkakataon. Sabi nga, eh, "no pain, no gain; no guts, no glory; no fear, no worry - so long as there is time to make things happen."(Video from youtube.com; posted by beepee13 07.14.07) |