Kadalasan ay pag may gusto tayo ay kung pwede lang ensigida ang resulta. Pero alam nyo ba na isang bahagi ng pagiging matagumpay ay ang pagtitiis at pagsisikap na bigay todo ika nga? Ayon sa mga pagsisiyasat ay hindi lamang ang likas na katalinuhan o IQ ang mahalaga kundi ang tinatawag na self-control na kung saan ang pagtitiis at ang konsepto ng sakripisyo, pagpupursugi, at pasensya ay mahalaga.
Kung alam natin na ang tiis ay sangkap ng tagumpay at pag-asenso, bakit hindi ito nagagawa? Hindi sikreto ang kaalamang ito, pero sabi nga nila, kaya nga may nakakaabot ng pangarap ay handa silang gawin ang lahat. Handa na ba kayo kapag dumating ang pagsubok? Kaunting tiis lang kabayan ang kailangan para makamtan ang asenso kasama na ang kayamanan na dulot nito. Tama, sa kaunting tiis ay nagkakaroon ng positibong pagtingin sa ano mang hamon at nagkakaroon ng higit na yaman di lang sa salapi kundi pati sa pananaw, hindi ba?
(Video from youtube.com; posted by ote24 03.12.07)