| Sikat ang Pinoy: Noon, ngayon, at bukas |
| Written by Jojo Iglesia |
|
Isang kasabihan na kanya kanyang panahon ang pagiging sikat. Ang paghanga ng mga kaibigan at mga kabayan ay isa sa mga nagtutulak para magsumikap, kasama na rin siempre ang makamit ang mga pangangailangan sa kabuhayan (kagaya ng tirahan, pagkain, pag-aaral, at iba pa). (Video from youtube.com; posted by manilanights 06.25.08) Bago dumating ang internet, kadalasan ay sikat na ka kapag na-dyaryo, na-radyo, o na-TV. Ngayon ay hindi lang sa bansa kundi buong mundo ang makakaalam sa kagalingan ng isang Pinoy.Tulad ng mga mahahalagang bagay, ang pagiging sikat ay maraming anggulo. May mga sikat sa kabutihan at mayroon din sa 'di mabuting paraan; sana ay mas mangibabaw ang una. Sa bandang huli, kasikatan lang ba ang importante? Nandyaan parati ang pamilya at mga kaibigan. Hindi ba't mas buo ang tagumpay kapag tinimbang ka at hindi naman nagkulang? Kung ganoo'y ang kasikatan ay tatagal hanggang sa kinabukasan. |