| Pilipinas 2012: Bagong taon, bagong simula, bagong pag-asa |
| Written by Jojo Iglesia |
|
Lumipas na naman ang 365 na araw at patuloy pa rin ang ating paglalakbay sa ating parte ng mundo. Ang pagsampa ng kalendaryo sa 2012 ay panahon ng bagon taon, bagong simula, at bagong pag-asa. (Video from youtube.com; posted by b0ob0o936) Kung minsan ay tila mas madaling maghanap ng dahilan sa iba nguni't may mga bagay na maaaring magsimula muna sa sarili. At may mga pangyayaring kung minsan ay mukhang "negatibo" pero kung tutuusin ay maaari palang maging mas maganda. Halimbawa ay ang pagkawala ng trabaho. Kung minsan ay signal ito na baka kailangan pang mag-aral ng ibang technology o pagkakadalubhasa o magpalit ng landas sa negosyo. O di kaya'y ito ang maaring paraan para ang landas ay maangkop sa guhit ng tadhana na higit na marilag at mainam lalo na't kapag ginawa ang mga kinakailangang hakbang ng tagumpay.Basta, ang mahalaga ay isipin na kayang gawin at makamtan ang hinahangad, at siempre pa buhay dapat ang diwa ng pag-asa. Mahirap man ang kalagayan, basta desidido, determinado, inspirado, alam ang likas na sariling lakas, at buo ang loob at pagtitiwala na makakaraos sa mga pansamantalang sulirinanin ay mas malaki ang posibilidad na mangyayari kaysa kung sa umpisa pa lang ay suko na. Ang pagsapit ng bagong taon ay panahon para lumingon sa nakaraan para matuto sa mga karanasan, para sa pagbibigay salamat sa mga biyaya sa kasalukuyan, at para sa pag-paplano ng diskarte sa hinaharap. Sa lahat ng kabayan at mamamayan sa buong mundo: Manigong Bagong Taon at Bagong Simula (Happy and Prosperous New Year) - para sa 2012! (Video from youtube.com; posted by jsoria30ver2) |