| What is the Super Bowl? / Ano ba ang Super Bowl? |
|
What is the Super Bowl? [English version] The Super Bowl is the championship game of the National Football League, the showcase of professional American football in the US. The Super Bowl is unique in that it uses Roman numerals to identify each game (eg, Super Bowl I was first held in 1967, followed by Super Bowl II in 1968, and so on up to the present). The Super Bowl is played in a US city that hosts an NFL team, and for 2012, Super Bowl XLVI was held in Indianapolis, Indiana, wherein the pop music superstar Madonna highlighted the halftime show. The Super Bowl is a big event on the calendar and ranks highly as among the most watched sporting events in the US and the rest of the world. In beating the New England Patriots at Super Bowl XLVI, the New York Giants, led by their quarterback Eli Manning, received not only the prestigious Vince Lombardi Trophy (named after legendary football coach Vince Lombardi) but a well-deserved place in history and in the memories of their fans as well.
Ano ba ang Super Bowl? [English-Tagalog (Pilipino) Ang Super Bowl ang pangkampeonatong laro ng National Football League, ang ligang pang-propesyonal ng katutubong laro ng futbol sa Amerika. Ang Super Bowl ay kakaiba dahil ginagamit ang numerong Romano para bansagan ang bawa’t laro (halimbawa, Super Bowl I para sa unang laro noong 1967, sinundan ng Super Bowl II noong 1968, at patuloy hanggang sa ngayon). Ang Super Bowl ay ginaganap sa isang lungsod sa Amerika na kung saan naglalaro ang isang NFL team, at sa 2012, ang Super Bowl XLVI ay isinagawa sa Indianapolis, Indiana, na kung saan naging bida sa halftime show ang pop music superstar na si Madonna. Ang Super Bowl ay isang malaking kaganapan sa kalendaryo at kinikilalang isa sa mga pinakasusubaybayang palakasang pangyayari sa Amerika at sa ibang parte ng mundo. Sa kanilang pagkapanalo laban sa New England Patriots sa Super Bowl XLVI, ang New York Giants, na pinangunahan ng kanilang quarterback na si Eli Manning, ay nakamit hindi lang ang Lombardi Trophy (na pinangalanan sa sikat na futbol coach na si Vince Lombardi) kundi pati na ang nararapat na lugar sa kasaysayan at sa alaala ng mga kanilang tagahanga. (Video from youtube.com; posted by gabhou 12.04.11) |